Thursday, December 27, 2007

blogger




nandito ako ngayon sa netopia, nagse-celebrate kasi si arah ng bday niya. maya-maya punta na rin kami ng square. nakakainis 'tong blogger ha! pagnasa bahay ako ayaw mag-update ng mga posts ko! kaya ngayon lang napost yun dapat matagal ko ng mga entries!




anyway, grabe...wala pang isang linggo ang dami nang nangyari. nun dec21, nag-overnight kami sa Pansol, christmas party ng varsity. ang saya-saya ko pa nun gabi. nagwawala pa nga kami ni arah sa videoke! tapos nun madaling araw siguro mga 2am nasa labas kami ng room bali nasa kitchen kami, hinuhulaan kami nun coach namin. pagakatapos nun, antok na antok na kasi kami siguro around magt-3am na yun pumasok na kami sa room tapos nun nasa kama na kami sabi ko kay arah kung pwede ko ibaba yun paperbag nia para makahiga ako ng ayos. tapos nun nakita ko yun handbag ko nasa sahig; hindi muna nagregister sa utak ko kung bakit nasa sahig siya, sabi ko pa nga bakit nasa sahig yun bag ko tapos may nalaglag, tapos sabi nun coach namin pulutin ko tapos dun ko lang na-realize na nanakawan na pala ako. as in sobrang antok ko na kasi, nakaka-tulog na nga ako habang naghuhulaan kami. tapos un, nagpanic ako sabi ko sa mga tao dun sa room wala un cellphone at ipod ko. super panic ako, nanginginig na ako sa kaba. bago kasi un phone ko at hindi pa tapos bayaran. magsstart pa lang nun dec26.




to make the long story short, sobrang nag-over react ang nanay ko...as in! inaway nia pati yun coach namin, so nagalit ako sa nanay ko kasi sobra talaga! hindi nia alam ang paghihirap ni mama thes (coach) para lang maayos yun kaso. siya nga walang nagawa eh, nanisi lang at nagpalaki ng problema,isumbong ba naman sa school?! buti na lang hindi kami pinagalitan ng school, at least ngayon, open-minded na sila. sabi ng officers na kumausap samin naiintindihan naman nila na personal namin lakad yun kaya yun. ok naman ang naging pag-uusap. nabawi naman yun cellphone at ipod ko. pero hindi pa rin ako masaya dahil sa coach namin. naawa kasi ako sa kanya at hiyang hiya na rin. dapat nasa Baguio siya nun 27 pero hindi na siya sumama dahil nga diyan sa lintik na meeting na yan. wala naman kwenta eh! nang-aksaya lang ng oras ng may oras yun nanay ko, sana masaya na siya! ang galing niang manira ng pasko! sinira nia pasko namin ni mama thes! kaya nga kahit pasko di ko kinausap si mama (mom ko) para malaman niang galit talaga ako. sobrang foul ng pinagsasabi nia sa coach namin! buti na lang hindi galit sakin si mama thes, hindi daw ako damay sa galit nia sa nanay ko. buti na lang, love na love ko kasi yun coach namin!


Wednesday, December 12, 2007

ngarag



ngaragan na naman sa school! ang daming gagawin at isa-submit!!! last week na namin next week