batch attitudes
kaninang Trigo namin wala kaming ginawa, sabi nun teacher namin mauubusan na daw kasi kami ng lessons. pero siguro may halong katamaran na rin yun! hahaha! tapos sabi nun teacher namin mag-group na lang kami into three at magkwentuhan na lang. san ka pa! bihira ang mga teachers na ganyan! hahaha! tapos ayun kung ano-anong napagkwentuhan namin at isang topic lang talaga yun tumatak sa isip ko kasi totoo nga naman. hahaha! tungkol 'to sa mga ugali ng mga batch sa school, ahm... to exact -- ang kaartehan. ok, bago ang lahat eto muna. ang batch namin ang 2nd batch na gagraduate ng high school sa aming monte('ng) paaralan. hahaha!
eto ang naging conclusion ng classmate/friend ko ( di kami masyado close eh)
-un naunang batch(ok talaga ang bonding namin with that batch) : toothbrush lang
-batch namin : toothbrush and powder
-un 3rd year ngaun : toothbrush, powder, lip balm, lip gloss, cologne, lahat-lahat na!
-un 2nd year : wala... ni-toothbrush daw wala! hahaha!
-1st year : MALALA...hahaha!
kaya sabi ni C/F pag graduate namin pangit na un school. maarte na lahat ng tao. totoo naman kasi kami kahit prominent un school namin sa lugar namin very down-to-earth ang batch namin at un batch na nauna sa amin. walang ka-keme-keme talaga. kesehodang mag commute basta galaan! hindi importante samin ang estado ng buhay ng bawat isa, basta totoong tao ka, in ka! hahaha! yan rin ang natutunan ko nun nakilala ko yun mga closest friends ko ngaun. aaminin ko isa ako sa mga madaming kaartehan noon, pero nawala lahat ng 'yon nun naging close talaga ako sa mga taong ito. sila ang nagturo sakin maging simple. although, di ko pa rin lubusang (at talagang lubusan?! hahaha!) ma-take ang mga putik nung nagpunta kami sa GK (Gawad Kalinga) site, project namin sa CAT-1 ang tumulong sa pagtatayo ng mga bahay dun para sa "homeless" at sa mga nasalanta ng bagyong si Milenyo...hehehe ang lalim!
sige till here na lang! na-miss ko magpost dito! i love this blog so much! hahaha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment