manukan...
wala kami pasok ngayon, rest day. nagfield trip kasi nung fri-sat.
kahapon nilalagnat ako. uminom na lang ako ng biogesic ( sige po, ingat! hehehe) tapos i watched "A Handsome Journey" kagabi, pinuyat ko talaga yun ha! ayun, habang nanonood ako mejo nagpapantal pantal na ako. tapos kaninang umaga pag gising ko, may pantal-pantal pa din ako. mas lalong dumami, nagpabili ako ng amonia sa mercury tapos nun dumating na, nilagyan ko na. after a while nawala. sobrang sakit ng katawan ko kaya humiga na ako sa sofa. tapos may nahawakan ako sa may batok ko, at pumutok siya, may tubig! gosh... i have chicken pox! ang tawag namin sa school, "manukan" hehehe! may classmate rin kasi ako na nagkaron. basta bigla na lang umabsent tapos ayun, sabi ng friends niya may manukan nga daw. kanina galing ako sa doctor sabi nia masyado daw matagal na yun agwat. uso lang daw talaga ngayon.
kahapon grabe sama ng pakiramdam ko. ang sakit ng mga ugat-ugat ko saka ulo ko saka ang labo bigla ng paningin ko, tapos ayun nilagnat na ako pero after ko naman uminom ng gamot nawala na naman.
exam pa naman namin nxt week, mga 2weeks ako hindi makakapasok.
till here na lang muna! ang sakit kasi ng katawan ko eh. ='(
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment