Wednesday, January 30, 2008

my condition...

right now, i realized that i'm not at the right disposition again. i'm having mood swings again and it's really bad. i'm easily irritated again; i don't like talking to anyone; i hate it when they ask me questions that i think the answers are very obvious, just a little common sense people! nakaka tanga eh! i just hate any questions. i hate LOUD sounds. i hate it when somebody sneezes really hard! yung tipong maka-tanggal ilong na at lalamunan. i hate it when they turn off the lights on the way to my room! what the hell! porque ibang way ang sa kwarto nila?! ano ba?! i hate it when they hurt mallow (my persian cat) whether accidentally or intentionally. i hate it when i'm sleepy and they do something that would keep me awake like tickling me or kissing me or poking me again and again. f*ck! just let me nap! i will wake up when i like the tv show! you cannot force me to watch something i don't like! i hate it when they "kulit" me to eat. isang tanong lang naman diba at sumasagot na ako? ano bang parte ng oo o hindi ang hindi mo maintindihan?! pag gusto kong kumain kakain ako pag ayoko, ayoko. ayokong pinipilit ako kumain. eh sa hindi ako gutom eh! isuka ko kaya yan sa harap mo?! i hate it when i say something then one would respond like this "__________ ka diyan." what the HELLLL!!!! kung ganyan lang rin naman isasagot mo eh wag ka nang magsalita at nakakapang-kulo lang ng dugo!!! i hate "nagmamarunong" people, those who pretend that they know what's been talking about. ano ba naman kung aminin mong hindi mo alam diba? lalo ka lang namamali eh!

AND A LOT MORE HATES WHEN I'M HAVING AN ANXIETY ATTACK.

i really can't go to the overnight trip...with these people around whose very "maaarte" i might just throw a knife in them.

NO, I'M NOT MEAN. PLEASE DON'T GET ME WRONG WITH THIS POST/ENTRY. JUST WHAT I HAVE SAID, I'M HAVING AN ANXIETY ATTACK. that's the only time when i really hate a lot of things...including people.

Tuesday, January 29, 2008

field trip

nagback-out na ako sa overnight trip namin sa tagaytay this friday-saturday. we had a meeting this afternoon and grabe, sobrang higpit! nag field trip ka pa. WE ARE NOT ALLOWED TO BRING CELLPHONES which are very important and necessary. we can bring but we have to give them a letter first from our parents that they are allowing us to bring such gadgets and that the school is not responsible for any lost things. bawal din magdala ng food inside the retreat house, pwede naman pero kelangan iwan sa kitchen ng retreat house. tapos pag10pm pinapatay daw ang tubig at kuryente sa retreat house, magkakaron lang ulit 5am the next day. tapos isang katutak pang mga bawal. tapos kasama pa namin yung mga 3rd year na talagang kahit anong gawin ng mga tao eh, hindi ko talaga sila feel! tapos kanina hindi naman sinabing derecho pero halata naman na ako yun ginawang example kung bakit bawal magdala ng phones. dahil nga nung nag-outing/overnight ako before christmas nanakaw un phone and ipod ko at nagskandalo ang nanay ko. ewan ko ba sa kanya alam naman na LABAS ANG SCHOOL dun, nagpunta pa din at kung ano-ano ang pinagsasabi. hindi man lang nag-isip na sakin ang balik nun. ok, ok...back to the topic...hays!!! na-badtrip talaga ako dun kanina dahil ako yun ginawang example. uminit talaga dugo ko. nainsulto kasi talaga ako. ang laki na ng galit ko dun sa teacher na yun!!! bwisit siya!!!

Sunday, January 27, 2008

wallet

last night, i took my wallet out from my bag and i saw that it was dirty; it is already a bit brownish. hahaha! i removed all the things in it. you know what i have noticed? inside were pictures of me and some special people in my life; 5 strips of band-aids, one was labeled with "thank you"; a not from a special person which says if i would come to church the coming sunday and if i would do, i should attend the 7.30 am mass because a lot of montessorians hear mass at 9am and they might see us, inside the note is a blade; a red paper dove which i got from the church 2years ago w/ "peace" written on it. there were women around the church holding a basket full of red papers shaped like a dove and there were words written on it, they say whatever you have picked it was the message of the holy spirit to you. i got the "peace" but where is the peace?!

i didn't include the other things in this pic like my money (of course), a menu of mcdo (hahaha! i cut it from a magazine a year ago), a calling card ( i have a lalagyan but i put one in my wallet), and a registration card for my phone.

Saturday, January 26, 2008

field trip

may field trip kami sa tagaytay next week. overnight kami. kasama nga lang ang juniors. hay nako, bakit ba kasi kelangan pang ipagpilitan samin ang 3rd year. wala na naman pag-asa noh! ayaw namin sa kanila at ayaw rin nila samin! masyadong mapilit ang school, wag kasi sana nila itulad yun bonding namin sa senior batch last year. hinding hindi kasi mangyayari yun! kami mga simple lang eh yun mga juniors, jusme! saksakan ng aarte!

ok,hahaha! naha-high blood ako. hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapag decide kung sasama nga ba ako sa field trip na yan. Feb.1-2 kami. sa canossa retreat house kami matutulog. pupunta kami sa ilog ni maria honeycomb farm sa silang, cavite; cornerstone pottery farm, sa silang pa din tapos sa flower farm sa tagaytay and sa zaki's oraganic farm sa tagaytay na rin. sa gabi may mga activities daw. hay nako for sure gusto nilang magbonding kami nung mga yun! >*< tapos sa feb2 ng umaga may recollection daw. hays... hindi na sana ako magdadalwang isip kung hindi kasama yung mga yun.

Feb.2 - sino nga ba may birthday sa araw na 'to? hmmm... hahahaha! advance ha!

Thursday, January 24, 2008

batch attitudes

kaninang Trigo namin wala kaming ginawa, sabi nun teacher namin mauubusan na daw kasi kami ng lessons. pero siguro may halong katamaran na rin yun! hahaha! tapos sabi nun teacher namin mag-group na lang kami into three at magkwentuhan na lang. san ka pa! bihira ang mga teachers na ganyan! hahaha! tapos ayun kung ano-anong napagkwentuhan namin at isang topic lang talaga yun tumatak sa isip ko kasi totoo nga naman. hahaha! tungkol 'to sa mga ugali ng mga batch sa school, ahm... to exact -- ang kaartehan. ok, bago ang lahat eto muna. ang batch namin ang 2nd batch na gagraduate ng high school sa aming monte('ng) paaralan. hahaha!

eto ang naging conclusion ng classmate/friend ko ( di kami masyado close eh)

-un naunang batch(ok talaga ang bonding namin with that batch) : toothbrush lang
-batch namin : toothbrush and powder
-un 3rd year ngaun : toothbrush, powder, lip balm, lip gloss, cologne, lahat-lahat na!
-un 2nd year : wala... ni-toothbrush daw wala! hahaha!
-1st year : MALALA...hahaha!

kaya sabi ni C/F pag graduate namin pangit na un school. maarte na lahat ng tao. totoo naman kasi kami kahit prominent un school namin sa lugar namin very down-to-earth ang batch namin at un batch na nauna sa amin. walang ka-keme-keme talaga. kesehodang mag commute basta galaan! hindi importante samin ang estado ng buhay ng bawat isa, basta totoong tao ka, in ka! hahaha! yan rin ang natutunan ko nun nakilala ko yun mga closest friends ko ngaun. aaminin ko isa ako sa mga madaming kaartehan noon, pero nawala lahat ng 'yon nun naging close talaga ako sa mga taong ito. sila ang nagturo sakin maging simple. although, di ko pa rin lubusang (at talagang lubusan?! hahaha!) ma-take ang mga putik nung nagpunta kami sa GK (Gawad Kalinga) site, project namin sa CAT-1 ang tumulong sa pagtatayo ng mga bahay dun para sa "homeless" at sa mga nasalanta ng bagyong si Milenyo...hehehe ang lalim!

sige till here na lang! na-miss ko magpost dito! i love this blog so much! hahaha!