Graduates 2007-2008
Congratulations samin! hay, goodbye high school pero ayoko sabihing "goodbye friends" para sakin kung totoo kaming magkakaibigan, kahit na magkakalayo na kami, iba-iba ng school friends pa rin kami, hahanap at hahanap talaga kami ng paraan para magkita-kita. madaming memories akong ite-treasure sa high school pati na rin yung mga advices sakin ng mga naging advisers ko from first year to fourth year.
sa school namin, kakaiba talaga. kahit high school na kami "baby-ing-baby" pa kami. nire-remind kami palagi ng mga teachers kung may mga hindi pa kami nasu-submit na papers/projects at gumagawa sila ng paraan para mahigit pataas yung grades namin. mababait naman yung mga naging teachers namin; mutual ang love namin. sabi nga nung isa naming teacher, bago lang siya ngayon SY lang siya pumasok samin, ok lang daw na magalit sa kanya yung office wag lang mga estudyante niya. dun pa lang nalaman ko na na makakasundo namin siya. actually ngayon last year namin sa montessori, mejo special dahil na rin sa mga teachers at nakita talaga namin ang unity saming mga estudyante. kung kelangan talaga ipaglaban ang isang bagay, pinaglalaban namin sa office. nakatulong na rin yung mga officers in-charge sa high school department kasi tinutulungan nila kami. nagkakaproblema lang naman talaga sa "baba" alam na namin kung saan at sino yung nasa "baba." kahit na para na kaming preso sa school, literal ha... yung ledge kasi namin nilagyan na ng rehas. sa mga huling months namin sa school naging special na yun para samin kasi may unity na talaga.
Graduation namin nung March29 sa D.L. Umali Hall, masaya ako nun kasi dumating yung mga teachers namin na umalis na dahil sa "baba." after talaga nung program nakita ko yung adviser ko nung 3rd year at in-embrace ko siya, sabi nia sakin "ano, hindi ka na iyakin ngayon?" siya kasi yung nakakita kung gano ako nasaktan at kung gano ako umiyak dati...hay! reminiscing mode ba ito?! hahaha! anyway. ma-mimiss ko silang lahat.
sa next posts ko yung mga pictures at "pagbabalik-tanaw" hehehe. aalis pa kasi ako. bakasyon na kasi, sadyang hindi ako mapirmi dito sa bahay. hehehe!