The Bitter Truth
an entry from my iPod March 27, 2010 9:40PM
"Kaya lang, you really have to accept the fact na hindi talaga siya para sa'yo."
Ngayon ko lang nasabi nang deretso itong mga katagang ito sa sarili ko. Siguro nga panahon na para tanggapin ko na itong katotohanang ito. Siguro alam ko na rin sa sarili ko, alam na nang katawan ko na eto na yung tamang panahon. Alam ko ko na asa sarili ko na okay na ako kahit madalas ko pa rin siya na-iisip, nagde-day dream ng kung anu-anong masasayang bagay na sana nagagawa naming dalawa. Kaya lang hindi ganon. May iba siyang mahal at alam ko kung gano niya yun kamahal, na kahit ilang beses pa sila magkatampuhan, kahit ilang beses pa siya mambabae alam ko babalik at babalik pa rin siya sa kanya. Kahit na minsan nasasakal siya, bale wala sa kanya lahat yun. Masaktan na lahat wag lang ang kanyang pinakamamahal. Nkakalungkot pero yun ang totoo at kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan na 'yon. Masyado na rin namang matagal. Madami na rin akong naaksayang panahon at pagkakataon sa pagpapaniwala ko sa sarili ko na may pag-asa pa kahit na alm ko namang wala na talaga.
Siguro, mahal na sa kung mahal, pero pagod na rin ako (sa wakas ba ito?). Ang hirap niya pala talaga mahalin. Hindi na naman siguro masama kung mag-give up na ako. Para naman isipin ko yung sarili ko. Sino ba ako? Ano ba talaga ang gusto ko?
Yung letter ko, yung message in a bottle, sabi ko ikaw lang yung una at huling lalaki na mamahalin ko ng ganito. Totoo yun, wala na talaga akong mamahalin pa na ibang lalaki tulad ng pagmamahal na binigay ko sa'yo, sayang nga lang at binalewala mo lang 'yon. I still love you but i have yo let go now. It's time to give myself freedom from all these pain and sufferings my love for you has caused me and seek what truly makes me happy... I love you, always have, always will. I'll see in the future or maybe in our next lifetime and I hope in our next lifetime we will be together...forever...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment